Isang Alamat mula sa Katutubong Mindanaw
Indarapatra at Sulayman
Ang Epiko ng Apat na Halimaw at ang Paglikha ng Kapatagan
Bago pa man magkaroon ng mga lungsod at kapatagan ang Mindanaw, ang buong pulo ay kabundukan lamang — tahanan ng mga taong namuhay sa piling ng kalikasan hanggang sa dumating ang apat na halimaw na nagpalaganap ng lagim. Basahin ang alamat sa ibaba, o kunin muna ang Libreng Ebook nito upang mabasa anumang oras — kuwento ito ng dalawang magkapatid na prinsipe, si Indarapatra at si Sulayman, na sa kanilang tapang ay humarap sa mga halimaw na dumudurog sa kanilang bayan.
CANTO I
Ang Apat na Halimaw
Noong unang panahon ayon sa alamat ng pulong Mindanaw,ay wala ni kahit munting kapatagan. Pawang kabundukanang tinatahanan ng maraming taong doo’y namumuhaymaligaya sila sapagkat sagana sa likas na yaman.
Subalit ang lagim ay biglang dumating sa kanilang bundokna dati’y payapa. Apat na halimaw ang doo’y nanalot.Una’y si Kurita na maraming paa at ganid na hayoppagka’t sa pagkain kahit limang tao’y kanyang nauubos.
Ang Bundok Matutum ay tinirhan naman ng isang halimawna may mukhang tao na nakatatakot kung ito’y mamasdan,ang sino mang tao na kanyang mahuli’y agad nilalapang,at ang laman nito’y kanyang kinakain na walang anuman.
Ang ikatlo’y si Pah na ibong malaki. Pag ito’y lumipadang Bundok na Bita ay napadidilim niyong kanyang pakpak,ang lahat ng tao’y sa kuweba tumahan upang makaligtassa salot na itong may matang malinaw at kukong matalas.
Ang Bundok Kurayang pinananahanan ng maraming taoay pinapaglagim ng isa pang ibong may pitong ulo;walang makaligtas sa bagsik ng kanyang matalas na kukopagkat maaaring kanyang matanaw ang lahat ng dako.
CANTO II
Ang Utos ng Hari
Ang kalagim-lagim na kinasapitan ng pulong Mindanaway nagdulot ng lungkot sa maraming baya’t mga kaharian;Si Indarapatra na haring mabait, dakila’t marangalay agad nag-utos sa kanyang kapatid na prinsipeng mahal.
“Prinsipe Sulayman, ako’y sumasamo na iyong iligtasang maraming taong nangangailangan ng tulong mo’t habag.”“O mahal na hari na aking kapatid, ngayon di’y lilipadat maghihiganti sa mga halimaw ang talim ng tabak.”
Binigyan ng singsing at isang espada ang kanyang kapatidupang sandatahin sa pakikibaka. Kanyang isinabitsa munting bintana ang isang halaman at saka nagsulit;“ang halamang ito’y siyang magsasabi ng iyong nasapit.”
CANTO III
Ang Paglusob sa Bundok ni Kurita
Nang siya’y dumating sa tuktok ng bundok na pinaghahariannitong si Kurita, siya ay nagmasid at kanyang natunghanang maraming nayong wala kahit isang taong tumatahan;“Ikaw’y magbabayad, mabangis na hayop!” yaong kanyang sigaw.
Di pa nagtatagal ang kanyang sinabi, nagimbal ang bundokat biglang lumbas itong si Kuritang sa puso’y may poot;sila ay nagbaka at hindi tumigil hangga’t malagotang tanging hininga niyong si Kuritang sa lupa ay salot.
CANTO IV
Ang Tunggalian kay Tarabusaw
Tumatag ang puso nitong si Sulayman sa kanyang tagumpaykaya’t sa Matutum, ang hinanap naman ay si Tarabusaw;sa tuktok ng bundok ay kanyang namalas ang nakahahambalna mga tanawin: “Ngayon di’y lumabas nang ikaw’y mamatay.”
Noon di’y nahawi ang maraming puno sa gilid ng bundok,at ilang saglit pa’y nagkakaharap na silang puso’y nagpupuyos.Yaong si Sulayma’y may hawak na tabak na pinang-uulos;ang kay Tarabusaw na sandata nama’y sangang panghambalos.
At sa paghahamok ng dalawang iyong balita sa tapangAng ganid na hayop sa malaking pagod ay napahandusay.“Ang takdang oras mo ngayo’y dumating na,” sigaw ni SulaymanAt saka sinaksak ng kanyang sandata ang tusong halimaw.
CANTO V
Ang Pagkamatay ni Sulayman
Noon di’y nilipad niyong si Sulayman ang Bundok ng Bita;siya’y nanlumo pagka’t ang tahanan sa tao’y ulila;ilang sandal pa ay biglang nagdilim gayong maaga paat kanyang natantong ang kalabang ibon ay dumating na.
Siya’y lumundag at kanyang tinaga ang pakpak ng ibon,datapwat siya rin ang sinamang-palad na bagsakan niyon;sa bigat ng pakpak, ang katawan niya sa lupa bumaonkaya’t si Sulayman noon ay nalibing nang walang kabaong.
Ang kasawiang ito ay agad nabatid ng mahal na Haripagka’t ang halaman noon di’y nalanta’t sanga’y nangalabi;“Siya ay patay na!” ang sigaw ng kanyang namumutlang labi,“Ang kamatayan mo’y ipaghihiganti buhay ma’y masawi.”
CANTO VI
Ang Muling Pagkabuhay
Nang siya’y dumating sa Bundok ng Bita ay kanyang kinuhaang pakpak ng ibon. Ang katawang pipi ay kanyang namalasnahabag sa kanya ang kanyang bathala; biglang nagliwanagat ilang saglit pa ay nakita niya ang tubig na lunas.
Kanyang ibinuhos ang tubig na iyon sa lugaming bangkay,at laking himala! Ang kanyang kapatid ay dagling nabuhay,sila ay nagyakap sa gitna ng galak at ng katuwaan,saka pinauwi itong si Sulayman sa sariling bayan.
CANTO VII
Ang Huling Labanan at ang Bagong Lupain
Sa bundok Kurayan na kanyang sinapit ay agad hinanapang ibong sa tao’y nagbibigay-lagim at nagpapahirap;dumating ang ibong kaylaki ng ulo at kukong matalassubalit ang kalis ni Indarapatra’y nagwagi sa wakas.
Sa kanyang tagumpay may isang diwatang bumating magalang,“Salamat sa iyo butihing bayani na ubod ng tapang,kaming mga labi ng ibong gahaman ngayo’y mabubuhay.”at kanyang namalas ang maraming taong noo’y nagdiriwang.
Nabihag ang puso ng mahal na hari sa ganda ng mutyakaya’t sa naroon ay kanyang hiniling na lakip ang sumpana sila’y ikasal. Noon di’y binuklod ng isang adhikaang kanilang puso. “Mabuhay ang hari!” ang sigaw ng madla.
Ang tubig ng dagat ay tila hinigop sa kailaliman;at muling lumitaw ang lawak ng lupang pawang kapatagan,si Indarapatra’y hindi na bumalik sa sariling bayan,at dito naghari sa mayamang lupa ng pulong Mindanaw.
Libreng Ebook
Ibinahagi din namin ang buong alamat ni Indarapatra at Sulayman bilang isang magandang disenyong ebook, may ilustrasyong pandigma at layout na parang sinaunang manuskrito — libre mong ma-download at mabasa anumang oras, kahit offline.
↓ I-download ang Libreng EbookPinoy Writings · pinoywritings.blogspot.com

Magandang epiko
ReplyDelete