* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.
Pinoy Writer
6:41 PM
0
Tampok ng Katagalugan ang kanyang kaisa-isang anak na si Mutya Marin. Si Mutya Marin ay maganda, mahinhin at halos ang lahat ng katangian ng dalagang Silangan ay napisan sa kanya. Siya'y kayumangging kaligatan. Alun-alon ang buhok na hinabi ng hatinggabi. Mapungay ang mga mata, matangos ang ilong, linalik ang baba at may gatla sa leeg. Siya'y may nunal sa batok. Balangkinitan ang katawan. Katamtaman ang taas. Ang baywang ay hugis hantik. Manipis ang alak-alakang nagbabadyang siya ay masipag, ayon sa matandang kasabihan.