N(caps)ang sampung taon pa lamang ang gulang ni Jesus, tulad ng ibang mga bata, mahilig din siyang maglaro at maglakad-lakad sa mga kalsada para maglibang.
Isang araw, sa pamamasyal niya, nakakita siya ng matandang lalakeng bulag na nag-babantay ng pinatutuyong palay. Nasa nakalatag na banig ang palay sa gitna ng daan. At ang matanda ay nasa bangko sa tabi nito.
Palibhasa'y bulag hindi nga makikita ng matanda ang mga manok na lalapit para tumuka sa palay na binabantayan, kaya ang matanda ay nakikinig lamang sa tok-tok ng tuka ng manok at bubugawin niya ang mga ito sa pamamagitan ng hawak na pamalo.
Nang makita siya ni Jesus, naisipan ng batang magbiro sa matanda. Umupo siya sa tabi ng banig na may palay at itinuktok ang daliri sa banig.
Tuk- tok- tuk- tok.
Su! Su! sigaw ng matanda at iwinasiwas ang pamalo sa dakong kinariringgan ng tuktok.
Tuk-tok! tuk-tok! talagang nawiwili pa rin sa kanyang pagbibiro ang batang si Jesus.
Su! Matigas ang ulo ng manok na ito, a, sabi ng matanda.
Tuk-tok!
Tuluyan nang nagalit sa manok ang matandang bulag at ibinato ang tangang patpat sa dakong kinariringgan ng tuktok. Tumama ang patpat sa balikat ni Jesus at anong laking himala!
Biglang nakamulat ang bulag at nakakita ng liwanag. Siya nga'y hindi na bulag at ang unang nakita niya ay isang batang lalake na nakangiti sa kanya.
Naku, Totoy, tinamaan ka ba ng aking patpat? Ang binabato ko ay manok. Ikaw yata ang tinamaan ko. Ngunit ano itong himalang nangyari sa akin? Salamat po sa Diyos!
Lumakad nang paalis si Jesus na hindi nagsalita habang ang matanda'y takang-taka pa rin sa pangyayari habang tuloy pa rin ang pagpapasalamat sa Diyos.
📚 Must Read Stories & Alamat
- 🌾 Pangalawang Bersyon ng Alamat ng Palay – Isang makabuluhang alamat tungkol sa pinagmulan ng palay at kahalagahan nito sa buhay ng tao.
- 📖 Kahulugan at Halimbawa ng Alamat – Alamin ang tunay na kahulugan ng alamat at mga halimbawa nito sa kulturang Pilipino.
- ✨ Si Jesus at ang Matandang Bulag – Isang kwentong nagbibigay inspirasyon tungkol sa pananampalataya at himala.
- 🎁 Regalo sa Guro – Nakakaantig na kwento tungkol sa pasasalamat at pagmamahal sa guro.
- 🥔 Pinagmulan ng Singkamas – Tuklasin ang alamat sa likod ng isa sa paboritong gulay ng mga Pilipino.
- 💖 Nagbayad ng Utang na Loob – Isang kwentong puno ng kabutihan at pagpapahalaga sa pagtulong ng iba.
- 👦 Modelong Bata – Inspirasyonal na kwento ng batang may mabuting asal at magandang halimbawa.
- 🤝 Matulunging Bata – Kwento ng kabataan na nagpapakita ng tunay na malasakit sa kapwa.
- 📚 Isang Aral Para Kay Armando – Maikling kwentong may mahalagang aral sa buhay.
- 🎄 Himala sa Kapaskuhan – Damhin ang saya at himala ng Pasko sa nakakaantig na kwentong ito.
- ☀️ Bakit Mas Maliwanag ang Araw Kaysa Buwan – Isang alamat na nagpapaliwanag sa hiwaga ng kalangitan.
- 🐎 Ang Kabayong Humingi ng Katarungan – Kwentong may aral tungkol sa hustisya at katotohanan.
- 🌊 Talon ng Magdapyo – Isang makulay na alamat tungkol sa mahiwagang talon.
- 🏝️ Kwento ng Linubian o Linobian – Tuklasin ang kwento at kasaysayan ng isang mahiwagang lugar.
- 🐝 Bakit Nangangagat ang Putakti – Nakakatuwang alamat tungkol sa putakti at ugali nito.
- 🌼 Bakit Namumulaklak ang Ilang-Ilang – Isang romantiko at makabuluhang alamat ng bulaklak.
- 🥜 Bakit ang Buto ng Kasoy ay Nasa Labas – Alamat na nagbibigay paliwanag sa kakaibang anyo ng kasoy.
- 🦁 Ang Pulong ng mga Hayop – Isang kwentong puno ng aral tungkol sa pagkakaisa at pamumuno.

