Alamat ng Pakwan: Ang Kuwento ni Juan
Isang kuwentong alamat tungkol kay Juan, panunukso, kabutihan at pagsisisi.
Alamat ng Pakwan
Noong unang panahon, may isang batang nagngangalang Juan. Ulila na siya at wala nang mga magulang na mag-aaruga sa kanya. Nakatira lamang siya sa kanyang tiyo at tiya.
Si Juan ay masipag at palaging nagbabanat ng buto. Sa kabila ng kanyang kabaitan at kasipagan, madalas siyang tuksuhin ng kanyang mga kapwa dahil malaki ang kanyang ulo. Tinatawag nila siyang “Pak Juan.”
Hindi pa nakuntento ang mga nanunukso sa kanya. Minsan ay sinasaktan at binabato pa siya. Umiiyak na lamang si Juan at lumalayo sa mga taong nananakit at nanunukso sa kanya.
Kapag umuuwi naman siya sa bahay, hindi pa rin natatapos ang kanyang paghihirap. Siya ang gumagawa ng mga gawaing-bahay habang ang anak ng kanyang tiyo at tiya ay halos walang ginagawa.
Halos araw-araw niyang nararanasan ang panunukso, pananakit, at pagpapahirap. Sa kabila nito, patuloy pa rin siyang nagtitiis at nagsisikap na mabuhay.
📥 Basahin at I-save ang PDF
Gusto mo ng kopya ng kuwentong ito? Maaari mong i-download ang PDF at basahin kahit offline.
DOWNLOAD PDFIsang araw, hindi na matiis ni Juan ang hirap at sakit na matagal niyang kinikimkim. Sa kanyang pag-iisa, lagi niyang sinasabi at idinadalangin na sana ay kunin na siya ng Poong Maykapal.
Hindi nagtagal, dumating ang isang malakas na ulan na may kasamang kulog at kidlat. Sa gitna ng unos, biglang nawala si Juan.
Nang humupa ang ulan, hinanap siya ng kanyang tiyo, tiya, at kanilang anak. Ngunit kahit saan sila maghanap, hindi na nila makita si Juan.
Sa kanilang paghahanap, may napansin silang isang kakaibang halaman na tumutubo malapit sa kanilang hagdanan. Nagkaroon ito ng malaking bilugang bunga na kahawig ng ulo ni Juan.
Doon nila napagtanto ang kanilang pagkakamali. Labis ang pagsisisi ng kanyang tiyo, tiya, at ng kanilang anak dahil sa masamang pagtrato nila kay Juan.
Bilang paghingi ng tawad, inalagaan nila ang halamang tumubo sa kanilang tahanan.
Tinawag nila ang bunga na “Pak Juan”, bilang pag-alala kay Juan. Sa paglipas ng maraming taon at dekada, ang pangalang “Pak Juan” ay sinasabing naging “Pakwan.”
May Ibang Bersyon Ka?
Mayroon ba kayong ibang bersyon ng Alamat ng Pakwan? Ibahagi sa comments ang inyong bersyon o ang link kung saan ninyo ito nabasa.
© Pinoy Writings | Alamat at Kuwentong Pilipino

Sana nag tagpuan
ReplyDeleteHmmm
ReplyDeleteSino ang may akda?
ReplyDeleteSi Gemma R. Castañeda
DeleteSi Gemma R. Castañeda
DeleteSi Gemma R. Castañeda
DeleteGemma R. Castañeda
DeleteSino ang may akda?
ReplyDeleteAno Ang Suliranin
ReplyDeleteAno Ang Suliranin
ReplyDeleteano ang suliranin
ReplyDeleteGemma R. Castañeda
ReplyDeleteAno ang mahalagang moral na makukuha sa kwento?
ReplyDelete